Saturday, September 3, 2011

Pagsisimula ng Bagong Buhay

August 6, 2005 namayapa si daddy. August 10, 2011 namayapa naman si mommy. Iyan din ang date ng kami ay naging officially "ulilang lubos". Ang hirap sa loob. Ang sakit sakit pala nung ganon. I'm 20 yrs old and I'm turning 21 this October 3, 2011. Yup, hindi man lang si mommy umabot ng debut ko. Excited pa naman akong makipagdate sa kanya. Sayang.. ang aga kong naulila, kami, kaming tatlo. Pero alam ko may dahilan ang lahat. May dahilan si God bakit nya nagawa ito sa amin, lalo na sa akin. Basta bahala na... sa bawat araw na dumadaan, humihingi ako ng tulong sa Kanya. Alam kong di nya kami pababayaan.

No comments:

Post a Comment